Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Superal pang-4 sa Thai golf

0 59

Sinara ni Princess Mary Superal ang kampanya sa three-under par 68 upang pumang-apat sa Thailand Mixed 2022 Championship nitong Abril 28-Mayo 1 sa Rayong Green Valley Country Club sa Ban Chang District, Rayong Province, Thailand.

Umiskor ang 25-anyos na Pinay shotmaker na tubong Dasmariñas City, ng eagle at apat na birdie laban sa tatlong bogey para tapusin ang laban bilang nag-iisang pambato ng ‘Pinas sa event sa 5-under.

May 10 palong agwat si Superal kontra sa nagreynang si Chanette Wannasaen ng punong abalang bansa na nag-71. Dalawa pang Thai ang nag-dos-tre sa katauhan nina Sangchai Kaewcharoen na nag-11-under pagkatirada ng 66, at Denwit David Boriboonsub na nag-6-under pagkalipas mag-70. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.