Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Superal reyna sa ICTSI golf

0 104

Dinaig ni Princess Mary Superal sina Harmie Constantino at Chihiro Ikeda sa birdie sa front at ang palabang si Chanelle Avaricio sa birdie sa 17th pa-65 at itarak ang one-stroke victory sa ICTSI Sherwood Ladies Challenge sa Trece Martirez City Biyernes.

May total siyang 208 kabilang ang 74-69 sa Sherwood Hills Golf Club para hamigin ang top purse P112K sa second win sa apat na event ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc. May P90K si Avaricio sa pagsegunda sa 65-209 at third si Constantino sa 72-214 na may P75K.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I actually had no idea of Chanelle’s surge but I knew there would be one who will go low,” lahad ni Superal, na dumistansya ng dalawa sa kambal na birdie mula sa No. 14 at tablahan si Avaricio buhat sa tatlong birdie. “But I just did what I was supposed to do, stuck to my routine and stayed focused.” (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.