Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Superal segunda, paldo ng P132K

0 164

Nag-bogey si Princess Mary Superal sa second extra hole nang sumala sa 10-putt par upang matalo sa playoff kay home bet Aunchisa Utama at makuntento sa segunda sa 9th Thai LPGA Tour 2022 Leg 5 THB1.2M (P1.8M) Singha-BGC 4th Thai LPGA Championship sa Royal Hills Golf Resort & Spa sa Nakhon Nayok nitong Biyernes.

Matinding rally sa third & final round ang kinasa ng nag-iisang bet ng ‘Pinas na tinataguyod ng ICTSI upang kahit iwan ng tatlong hampas makatabla sa six-under-par 210 sa Thai nang ibaon ang three-under 69.

Pero sinandalan ng Thai ang pamilyar sa teritoryo upang makaungos at isubi ang THB186 tseke (P285K), pinagkasya si Superal sa THB86K (P132K) sa pangatlo niyang torneo sa TLPGAT ngayong taon na nilahukan ng 64 golfer.

Uuwi muna si Superal ng bansa sa sinilangang Dasmariñas, Cavite at babalik rin sa susunod na Linggo sa Thailand upang magpatuloy ng kampanya sa Tour o sumabak sa isang bagong Tour din doon. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.