Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Superal susungkitin 2nd title

0 75

Handa si Princess Mary Superal sa pangalawang sunod na tagumpay, hinog na si Chanelle Avaricio sa malakas na pagtatapos habang gigil makabawi si Harmie Constantino sa maespiritu nilang pangunguna para sa titulo sa sambulat ng ICTSI Eagle Ridge Ladies Classic simula ngayong Miyerkoles sa Norman Course ng Eagle Ridge sa Gen. Trias, Cavite.

Binuslo ni Superal ang krusyal na birdie para bulilyasuhin ang asam ni Avaricio sa unang kampeonato ng Ladies Philippine Golf Tour sa Sherwood Hills Golf Club sa Trece Martires City sa nakalipas na Biyernes.

“Since we’re still under quarantine, I stayed in shape by training at home with a net and putting mat,” sambit ni multi-titled Superal, na wagi rin ng una sa sa dalawang Riviera bubble tournament sa huling bahagi noong 2020 at sumegunda sa dalawa pang LPGT event na ginawa sa new normal. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.