Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Superal ungos kay Del Rosario

0 294

Bumuwelta si Princess Mary Superal sa mapaklang simula at sinamantala ang kamalasan ni Pauline del Rosario sa huling butas upang gawin ang isang palong pagkaiwan sa one-shot lead sa 69 sa siklab Martes ng ICTSI Riviera Championship sa Langer course sa Silang, Cavite.

Sinapawan ni Del Rosario si Superal sa tampok na flight na kinabibilangan ni Abegail Arevalo, nagsalpak ng three birdies pa-two-stroke sa first 12 holes sa maulap at mahanging panahon. Pero nang sa tingin niya na kaya ang mapaghamong par-71 layout, sumablay siya at nag-bogey sa 14th, nabawi ang stroke sa layout’s signature hole – par-3 17th, pero nawalan ng dalawang hampas sa madulas na panapos na par-4 hole.

Tumapos siyang may 70 (34-36) ,nagpailanlang kay Superal sa 34-35, na may tatlong birdie sa limang sunod na butas mula sa No. 9 na pambawi sa disgrasyang sablay sa green sa ikaanim.

“I actually missed a lot of greens but made some up-and-down pars, especially on a couple of long par-4s,” lahad ni Superal, nagbabantang ma-sweep ang twin Ladies Philippine Golf Tour titles sa new normal makaraan ang five-shot triumph kay Arevalo sa kalapit lang na Couples course nitong Nobyembre.

Tiyak na babawi si Del Rosario at iba mga contender para sa top P72K purse sa 54-hole event ng ICTSI at inoorganisa ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc. kay Superal nahumirit nang “I’ll try to go under again tomorrow (ngayon) and make more birdies.” (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.