Abante Tonite Interactive

‘Superfoods’ para sa mga ‘super busy people’

By
0 156

Madahong GULAY – Ang green and leafy vegetables ay numero uno sa pagpapaibayo sa nutrisyon ng mga madadahong gulay na mayaman sa vitamins A, C, K, B9, Bc o folacin.

SAGING – Mayaman sa potassium at nagsisilbing prebiotic o pagpigil sa mga bad bacteria sa katawan.

KAMOTENG BAGING – Mayaman din ito sa potassium at vitamins A at C. Masarap sa meryenda at madaling maka­busog.

ITLOG – Sagana sa protina at isa sa pinakamayaman sa choline, klase ng nutrisyon na kadalasang kinakapos tayo.

HUMMUS o PITA – Tinapay na pitang pinatungan ng karne, mga artitsoke, at mga hiwa ng kamatis.

MANI at KAKANIN – Ang mga aba­lang pamilya ay kadalasang nagmamadali kaya’t angkop sa kanila ang pagkaing minadali tulad ng kukutin at mga sandwiches lamang.
SALMON – Ang salmon ay talagang super food – mayaman sa omega-3 fats, docosahexaenoic acid o DHA at eicosa­pentaenoic acid o EPA, gayundin sa protina at vitamin D.