Abante Tonite Interactive

Supermarket, drug store dapat bukas ng 12-oras

350

Hinihikayat ng gobyerno na gawing 12 oras ang operasyon ng mga supermarket, palengke at botika para maiwasan ang dagsa at siksikan ng mga mamimili, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

“ Other establishments that should remain open for at least half a day on a daily basis are wet markets, agri-fishery supply stores, drug stores, and other retail establishments selling basic necessities, “ pahayag ni Nograles sa virtual press briefing.

“Ang mga supermarket, palengke, grocery, botika at iba pa ay hinihikayat na i-extend ang kanilang operating hours para umabot po ito ng 12 hours,” sabi nito.

Pinaliwanag ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na mas malalong dagdsa ang tao sa mga pamilihin at nababalewala ang social distancing kapag maikli ang store hour na sinusunod.

Tonite – Wendys Inhouse Ad