Abante Tonite Interactive

Supermarket sa Saudi nangangailangan ng mga Pinoy worker

428

Nagpahayag ng interes na kumuha ng mga Pilipinong manggagawa ang nangungunang supermarket sa Saudi Arabia.

Una rito nag-courtesy call ang chief executive officer at co-founder ng Manuel Market na si Khalid Al Darwish kay Consul General Edgar Badajos at ipinakilala ang kanyang kompanya,

Ang Manuel Market ay isa sa nangungunang retailer sa Saudi Arabia na may pitong branches sa Jeddah at Jubail sa Saudia Arabia.

Sa pulong, nagpahayag ng interes si Darwish na magpasok pa ng mga Philippine products sa Saudi Arabia at mag-empleyo ng mga Pilipinong manggagawa, alinsunod sa plano ng Manuel Markets na mag-expand ng supermarket operation sa kaharian.

Ang supermarket ay nakatakdang magbukas ng tatlo pang bagong branches sa Riyadh at dalawang karagdagang branches sa Jeddah sa mga darating na buwan.
Tiniyak naman ni Consul General Badajos kay Darwish ang suporta ng konsulado sa Manuel Market expansion plan. (Armida Rico)