Abante Tonite Interactive

Suporta sa Angkas bumuhos

Payagan habang inaaral

By
142
 

Iminungkahi ni Manila Rep. Cristal Bagatsing ang nationwide pilot run ng Angkas.

 

Ayon kay Bagatsing, simula nang ilabas ng Sup­reme Court (SC) ang Temporary Restraining Order (TRO) at pahintulutan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hulihin ang mga Angkas rider-partner na mamamasada at magsasakay ng pasahero ay marami ang lumapit at nagpasaklolo sa kanya.

 

“Sa amin pong distrito sa Maynila ay maraming Angkas drivers na nawalan ng trabaho nang maglabas ng TRO ang Supreme Court. Dumaing din po sila sa akin. Ipinaliwanag nila na bumuti na ang lagay ng kanilang kabuhayan dahil sa Angkas tapos kung kailan magpa-Pasko tsaka sila na-TRO,” salaysay ni Rep. Bagatsing.

 

Sinegundahan naman ni Rep. Teves ang mosyon ni Bagatsing at iginiit na habang pinapag-aralan, payagan muna ang operas­yon.

 

Inilahad naman ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Mark de Leon, na bubuo ng isang technical working group ang kanilang ahensiya hinggil dito.