Abante Tonite Interactive

Suporta sa atletang Pinoy

By
13

Congratulations sa lahat ng atletang Pinoy, sa kanilang mga coach at guro na lumahok, naki­paglaban at nagwagi sa 9th Cheerleading World Championships na ginanap sa Takasaki City, Japan nitong Nov. 11-12, 2017. Ito na ang tinaguriang “Olympics” ng cheerleading kung saan ang “best of the best” sa buong mundo ay nagpa­kitang-gilas ng kanilang talento sa cheerleading at cheer dancing. Mahi­git 100 teams ang kasali sa international competition na ito mula sa 28 countries and regions sa iba’t ibang parte ng mundo. Syempre pa, hindi nagpahuli ang Team Pilipinas.

Panalo ng 8 medals ang Team Pilipinas na lumaban sa 9th Cheerleading World Championships (CWC). Nanguna ang MAG Iriga Team na nanalo ng 2 gold medals sa Senior Cheer Dance at sa Senior Cheer Dance Doubles category.

Ang UP Pep Squad naman ay nagwagi ng ­silver medal sa All-­Female Cheerleading Team division at dala­wang bronze medal sa Mixed Small Group Cheerleading category at All-Female Small Group Cheerleading.

Ang St. Scholastic’s College Manila naman ay nanalo ng silver at bronze sa Junior 2 Cheer Dance Team at Cheer Dance Doubles Junior 1 category.

Ang Gymnastics ­Association of the Phi­lippines ay nanalo ng bronze medal sa Cheer Dance Team Junior 1 category. Samantala, ang San Beda Alabang Red Lions naman ay nagtapos sa Top 5 sa Junior 1 Cheerleading category sa unang pagkakataon na nagbukas ang CWC ng ganyang kategorya para sa edad 7-12 taong ­gulang.

Congratulations din sa mga “cheerleaders of the cheerleaders”. Ang ibig kong sabihin ay ang mga magulang at pamilya sa likod ng mga atleta na ibinuhos rin ang kanilang pagsakripisyo upang makapagbigay ng suporta sa mga atleta.

Hindi biro ang pagod, hirap at gastusin na ha­mon sa bawat atleta at kanyang pamilya. Matagal na rin nating naririnig ang hinaing na ito kaugnay sa kakulangan ng suporta sa mga Filipinong atleta.

Pero ngayon lamang namulat ang aking mga mata noong ako na mismo ang nagkaroon ng anak na atleta na nirepresenta ang ating bansang Pilipinas sa international arena.

Marahil, mas malayo ang mararating ng ating mga atleta kung pagbuhusan natin ng pansin ang pagsuporta sa sports development at training lalo na ng kabataang ­atleta.

Verse of the day: “It’s not the will to win that matters – everyone has that. It’s the will to prepare to win that matters.” – Paul “Bear” Bryant

***

Makinig sa “Radyo OFW” 8:00-10:00 pm tuwing Lunes-Biyernes sa Radyo Pilipinas 738 AM, Facebook live: www.fb.com/RadyoOFW Email: radyoofw@gmail.com.