Abante Tonite Interactive

Suporta sa guro: Kilos-protesta kay Raffy Tulfo kasado

934

Maglulunsad ng protest rally ang mga teacher, principal laban sa batikang brodkaster na si Raffy Tulfo kaugnay ng ‘trial publicity’ na ginawa nito sa isang guro.

Magtitipon ngayon araw sa Liwasang Bonifacio sa Maynila ang mga teacher at principal upang igiit ang katarungan sa hindi makataong sinapit ni Teacher ­Melita Limjuco na umano’y ipinahiya nito sa ­kanyang TV program na ‘Raffy Tulfo in ­Action nang pilitin ito na ­magbitiw sa ­trabaho dahil sa ginawa nitong ­pagpapalabas sa ­kanyang ­estudyante sa Epifanio Delos Santos ­Elementary School sa Pasay City.

Dahil rito, kinuyog ng mga netizen si Tulfo dahil hindi umano nito alam ang paghihirap ng mga guro para maturuan at mad isiplina ang mga estudyante.

Naging biktima umano ng ‘trial by publicity’ si Limjuco na hindi umanong makatarungan. Nanawagan sila ng due process para sa proteksyon ng mga guro sa ganitong mga kaso ng harassment.

Nakisimpatiya rin si House Assistant ­Minority Leader France Castro sa sinapit ng guro. Pinalalahan nito si Tulfo na may tamang mekanismo at due process sa ganitong mga reklamo at hindi dapat umanong idaan sa pamamahiya sa mga taong inirereklamo,

“Complaints should be resolved and responsibility of parties, if any, will be achieved through the proper ­grievance mechanism and processes. Undue ­disclosure has no other aim except trial by publicity without resolving complaints,” sabi pa ni Castro. (JC Cahinhinan)