Abante Tonite Interactive

Suportahan ang mga nahalal na opisyal

0 336

Dear Abante Tonite,

Naniniwala ako na sa kabila ng ilang mga negatibong komento hinggil sa nangyaring eleksyon, mayroong pag-asa para sa ating bayan.

Wala naman sigurong mawawala kung bibigyan natin ng pagkakataon ang mga bagong nahalal na opisyal para gampanan ang kanilang ipinangakong tungkulin.

Hindi rin masama kung bibigyan natin sila ng suporta at pagtanggap dahil produkto sila ng boses ng mga Pilipino dahil sila ang lumabas na panalo sa ginanap na halalan.

Huwag naman sana nating pangunahan kaagad na wala silang magagawa.

Related Posts

Kung lagi na lang negatibo ang ating unang naiisip sa mga nananalo sa eleksyon, sino pa ang karapat-dapat na maupo?

Sabi nga ng ibang kritiko, “bakit hindi na lang ikaw ang tumakbo para maramdaman mo ang nararamdaman ng mga politiko?” Oo, bukas ang ating isipan sa korapsyon sa gobyerno, pero dahil ba dito ay mawawalan na tayo ng tiwala sa buong sistema at mga taong kabilang dito?

Sana, para sa mga kapwa ko Pilipino, maging positibo rin tayo sa pag-iisip. Suportahan pero laging maging mapanuri sa mga desisyon ng mga nakaupong opisyal sa gobyerno.

Sa ganitong paraan, malay natin mangyari ang matagal na nating inaasam na pagbabago.

Salamat.
Peter ng Makati City