Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Supplier nasa Cebu jail! Tulak timbog sa P6.9M shabu

0 68

Umaabot sa P6.9 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa isang babaeng tulak ng iligal na droga matapos ang ikinasang operasyon ng mga awtoridad laban sa kanya sa Cebu City, Huwebes ng madaling-araw.

Kinilala ang suspek na si Jeanneth Gadjane Abayan, 33, na naaresto sa Camia St., Brgy. Tisa ng nabatid na lungsod. Nakuha sa suspek ang 1.2 kilo ng shabu. Kinokonsidera umano siya bilang high value target dahil base sa pulisya ay kaya nitong mag-dispose ng aabot sa 2 kilo ng shabu kada linggo.

Sa ginawang interogasyon sa suspek, lumalabas na nagmula ang kanyang binibentang shabu sa loob ng Cebu City Jail sa isang nagngangalang ‘Balo’. Nakakulong din ang asawa nito sa nasabing piitan dahil sa kaso din ng pagtutulak ng iligal na droga.

Sa ngayon ay nakakulong ang suspek sa Cebu City Polce detention cell habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.