Abante Tonite Interactive

Supplier ng droga sa mga call center agent todas sa buy-bust

By
0 1,129

Tapos na ang pagsu-supply ng droga sa mga call center agent matapos manlaban at mapatay ang isang kilalang drug pusher sa ikinasang buy-bust operation, kahapon nang madaling-araw sa Cainta, Rizal.

Nakilala ang nasawi na si Randy Miranda y Magat, nasa hustong gulang at residente ng Cainta matapos magtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa report, ikinasa ang buy-bust ope­ration bandang alas-12:30 kahapon nang madaling-araw sa Mor­ning Glory St., Barangay San Isidro, Cainta, Rizal matapos magpositibo ang Cainta Police na nasa lugar ang suspek.

Isang pulis ang umaktong buyer at nakipagtransaksyon sa suspek na kung saan ay bibili ng shabu sa halagang P1,000 at nang ibibigay na ang droga ay agad na naglabasan ang mga pulis kaya agad na tumakas ang suspek sabay paputok ng baril kaya lumaban din ng putok ang mga pulis.

Nakumpiska mula sa suspek ang 22 pira­so ng mga plastic sachet na naglalaman ng shabu o nasa tinatayang 100 gramo ang nakuha, isang 38 revolver na puno ng bala at P1,000.00 bilang marked money.