Abante Tonite Interactive

Supplier ng shabu sa Cavite todas

294

Nasawi ang isang notoryus na supplier ng shabu nang manlaban umano sa mga operatiba na nagsagawa ng buy-bust operation sa Cavite City.

Dinala pa sa Bautista Hospital ang suspek na si Roderick Jardio, 30, ng Brgy. 48A.

Sa ulat ng Cavite City Police, alas-9:20 Sabado ng gabi nang nagsagawa ng operasyon ang kanilang mga operatiba para tugisin ang suspek sa nasabing lugar, ngunit nakatunog umano ang suspek na pulis ang kanyang katransaksiyon.

Bumunot umano ng baril si Jardio at pinaputukan ang pulis na gumanti rin ng putok na nagresulta sa kamatayan ng suspek.

Nakuha sa suspek ang isang kalibre 38 na baril, 13 sachet ng hinihinalang shabu, cellphone at buy-bust money.