Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Supplier sa kapitolyo, huli sa pekeng ID

0 343

ARESTADO ang isang supplier sa Kapitolyo ng Cavite dahil sa pagsusuot nito ng Provincial Capitol Identification Card (ID) para sa kanyang transaksiyon sa loob sa Trece Martires City, Cavite.

Kasong paglabag sa Usurpation of Autority at Falsification of Provincial Capitol ID ang kinakaharap ng suspek na si Quintin Llaneta, 31, empleyado ng New Line Trading at taga-Trece Martires City, Cavite dahil sa reklamo ni Alexander Villanueva, 53, Security Officer IV ng Provincial Capitol.

Sa salaysay ni Al Jeff Comia, Security Personnel ng Kapitolyo kay Corporal Eduardo Reyes ng Trece Martires City Police Station, alas-2:30 kamakalawa ng hapon nang sitahin niya si Llaneta habang palabas ng entrance ng Kapitolyo na bagama’t may suot na ID ng Provincial Capitol ay pinagdudahan nito dahilan upang ipaalam sa Human Resources Department (HRD) at nalaman na hindi siya kawani ng Kapitolyo.

Inamin naman ng suspek na hindi siya empleyado at konektado siya ng New Line Trading at ang nasabing ID ay inisyu lamang sa kanya ng kanilang kumpanya na ginagamit niya upang mapabilis ang kanyang transaksiyon sa loob. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.