Abante Tonite Interactive

Supply allowance ng mga guro itataas sa P5K

248

Isang panukalang batas ang inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para dagdagan ang buwanang supply allowance ng mga public school teacher.

Iginiit ni Quezon City Rep. Alfred Vargas, chairman ng House committee on appropriations, na napapanahon na upang dagdagan ang buwanang supply allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan.

Ayon kay Vargas, hindi dapat sa sariling bulsa ng mga guro hinuhugot ang pambili ng mga materyales na kanilang ginagamit sa araw-araw na pagtuturo at hindi na din sapat ang kanilang kasulukuyang P1,500 na buwanang ayuda para tustusan ito.

Inihain kamakailan ni Vargas ang House Bill No. 307 na naglalayong itaas ang buwanang supply allowance ng mga guro na mula sa P1,500 ay gagawing P5,000 kada buwan.

Hindi problema ayon kay Vargas ang pagkukunan ng pondo para sa panukalang dagdag na supply allowance dahil ang P2,500 dito ay kukunin mula sa taunang budget ng Department of Education (DepEd) at manggagaling naman ang kalahati sa savings ng kagawaran. (JC Cahinhinan)