Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Supply ng kuryente siniguro sa halalan

0 35

Sapat ang supply ng kuryente sa bansa ngayong araw ng halalan, ayon sa datos ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Sa Luzon, nasa 13,909 megawatts ang supply ng kuryente samantalang 9,843MW naman ang inaasahang peak demand kaya’t may sobra pa na 4,066MW na magbibigay palugit sakaling may pumalyang power plant.

Sa Visayas, nasa 2,434MW naman ang supply at 2,138MW ang peak demand. Ang operating margin ay nasa 297MW.

Habang sa Mindanao ay nasa 2,998MW ang supply samantalang ang peak demand ay 1,780MW. Ang operating margin ay nasa 1,218 MW. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.