Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Supply ng manok pang-150 araw na lang

0 147

Bumagsak ang produksyon ng manok sa bansa ng 8% noong second quarter ng taon.

Sa kabila nito, sinabi ni Bureau of Animal Industry (BAI) Executive Director Ronnie Domingo na sapat ang supply ng manok para sa 150 araw.

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumagsak sa 440,000 tonelada ng manok lamang ang napalaki sa bansa noong second quarter ng taon samantalang nasa 477,110 ito sa parehong panahon noong 2019.

Sabi ng PSA, nasa 186.47 milyong manok ang imbentaryo ng bansa hanggang noong July 1, 2020, mas mababa ng 3% kumpara sa parehong panahon noong 2019. Bumaba umano ang imbentaryo ng broiler chicken at layer chicken ngunit tumaas naman ang imbentaryo ng native chicken.

Pinagbawal kamakailan ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng manok sa Brazil at sa Australia na makakaapekto sa suplay ng manok sa bansa. Maari itong magresulta ng pagmahal kung magkaubusan ng suplay nito.

Ang Brazil ay ang third biggest source ng imported chicken ng bansa.

Ayon sa BAI, 55,396 toneladang manok ang inangkat sa Brazil mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon. Nasa 999.5 toneladang manok naman ang inangkat mula Australia sa parehong panahon.

Karamihan sa inaangkat na manok sa Brazil ay `deboned’ na ginagamit sa meat processing. Ayon sa BAI, umabot sa 242,228 na toneladang manok ang inangkat ng bansa simula Enero hanggang Hulyo ngayong taon. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.