Abante Tonite Interactive

Supporter tinulugan ng politiko

414

May nakakatawang karanasan ang isang supporter ng politiko sa Metro Manila.

Noong nakaraang halalan kasi, lagare sa kampanya ang politiko dahil mula umaga hanggang gabi ay nag-iikot ito.

At pagsapit ng hatinggabi, may bumibisita pa ring suppor­ter sa kanyang bahay. Isang beses ay duma­ting ang supporter dakong alas-11:00 nang gabi at nakaharap ang politiko.

Habang kausap daw ng supporter ang politiko, nakatulog ito sa kanyang kinauupuan at nagsimulang humilik. Nagdesisyon na lang ang supporter na umalis para makapagpahi­nga ang politiko.

Clue: Ang politiko na tinulugan ang supporter ay kilalang biyahero at may letrang A sa kanyang apelyido.