Abante Tonite Interactive

Supt. Marcos binitiwan na ni Digong?

By
4

Kung nagawa ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na maibalik sa puwesto­ noong Oktubre si Supt. Marvin Marcos bilang head ng CIDG Region 8 kahit dawit ito sa isang drug lord, sa pagkakapatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. ay mukhang pinabayaan na ng Pangulo ang kontrobersyal na police official.

Ipinahayag ni Senador Panfilo Lacson na itinuloy ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang preliminary investigation sa isinampang kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) sa 24 operatiba ng CIDG sa pamumuno ni Supt. Marcos dahil sa kawalan ng utos mula sa Pangulo.

“As of yesterday he said there was no instruction from the President to go slow on Marcos and company. That’s why he is proceeding the way he should proceed,” paglalahad ni Lacson sa sinabi sa kanya ni Sec. Aguirre.

Matatandaan na parehong nagsagawa ng imbestigasyon ang NBI at ang Senate committee on public order and dangerous drugs sa pagkamatay ni Espinosa at pinakasuhan ang grupo ni Marcos dahil sa pagpatay kay Espinosa.