Surgical mask epektibo kontra virus

Inirekomenda ng Department of Health (DOH), ang paggamit ng surgical face masks sa halip na cloth mask sa mga lugar na kinakitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID19.
Ipinaliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ito rin ang recommendation ng World Health Organization (WHO) sa mga lugar na may mataas na kaso ng bagong variants.
“Sa ngayon, ang ating rekomendasyon, kung kaya niyo na mag-surgical mask, especially in those areas na matataas po ang kaso, let’s use surgical mask,” ayon kay Vergeire sa isang online forum.

Ayon pa kay Vergeire, mas nagbibigay ng proteksiyon ang mga medical-grade mask, gaya ng surgical masks dahil napi-filter nito ang mga organismo na nasa hangin.
“Pero kung hindi naman po kakayanin ng komunidad [ang surgical mask], cloth mask can still give protection. Hindi po natin tinatanggal ‘yan sa equation,” dagdag ni Vergeire. (Juliet de Loza-Cudia)