Abante Tonite Interactive

Surgical mask isang gamitan lang – DOH

399

Isang beses lang maaaring gamitin ang surgical mask, hindi ito puwedeng linisin sa pamamagitan ng detergent o mainit na tubig, ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Habang ang cloth mask ay puwedeng labhan pero hindi ito kasing epektibo gaya ng surgical mask kaya dapat ay ipatupad ang physical distancing.

Subalit sinabi rin ni Vergeire na para mas makasiguro ay pairalin pa rin ang physical distancing kahit surgical mask ang gagamitin upang hindi basta-basta kapitan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Pinaalala naman Vergeire sa publiko na ang N95 mask ay para sa mga health care worker lang na direktang nag-aalaga ng ng mga COVID-19 patient.

Sinabi rin ng kalihim na huwag gamitin ang N95 mask kung nasa komunidad lang at ireserba na lang para sa mga health care worker. (Elech Dawa)

Tonite – Wendys Inhouse Ad