Abante Tonite Interactive

Surigao del Norte mayor sinuspende

By ,
53

Isang buwang suspensiyon ang ipinataw ng Office of the Ombudsman laban sa alkalde ng Mainit, Surigao del Norte matapos mapatunayang guilty sa kasong simple neglect of duty.

Si Mayor Ramon Mondano ay pinatawan ng isang buwang suspensiyon dahil sa pag-isyu umano nito ng special permit para payagan ang cockfighting activities sa Purok Masaya, Barangay Matin-ao noong Hunyo 20-22, 2016 para sa pagdiriwang ng fiesta ngunit lumitaw na walang barangay clearance na ipinalabas para sa naturang cockfighting activities.

Sa desisyon, tinukoy ang Local Government Code na nakasaad na kailangang may clearance mula sa barangay kung saa’y gagawin ang naturang activities bago pa man isyuhan ng permit.

“Although the issuance of special permits for special cockfighting activities is within his authority as municipal mayor, he is duty bound to require the presentation of the barangay clearance from Barangay Matin-ao before issuing a special permit to Purok Masaya,” ayon sa Ombudsman.