Abante Tonite Interactive

Surigao niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

By
1,653

Niyanig ng 5.1 magnitude na lindol ang Surigao City, bagama’t walang naitalang pinsala ay pinaghahanda ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang mga residente sa aftershocks.

Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ng 5.1 lindol ay sa San Francisco, Surigao City. Tectonic ang pinagmulan nito na may lalim na 17 kilometro at naram­daman ala-1:21 ng madaling-araw.

Dahil malakas ang pagyanig ay naram­daman din ito sa karatig-bayan. Intensity IV sa Pintuyan, Southern Leyte at Intensity II sa Palompon at Palo, Leyte.