Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Surigao niyugyog ng magnitude 5

0 151

Isang lindol na magnitude 5 ang tumama sa Surigao del Sur nitong Linggo ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Tectonic ang origin ng lindol na tumama sa timog-silangan sa bayan ng Cagwait dakong alas-3:14 ng hapon.

SM food to go Banner Ad

Naramdaman ang intensity 3 sa Bislig City, intensity 2 naman sa Surigao City, Gingoog City, Misamis Oriental at sa Abuyog, Leyte.

Sabi ng Phivolcs posibleng magkaroon ng mga aftershock subalit wala namang inaasahan na posibleng pinsalang idudulot nito. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.