Abante Tonite Interactive

Surigao residents takot sa aftershocks

184

Libu-libong residente sa Surigao ang mas pinili pang pansamantalang manirahan sa mga kalsada ng siyudad dahil sa takot sa maya’t mayang aftershocks matapos tumama ang 6.5 magnitude na lindol na kumitil sa buhay ng walong katao at 202 sugatan noong biyernes ng gabi.

Gamit ang kumot at mga sako bilang panlaban sa lamig ay tabi-tabing natutulog ang mga residente sa mga tabing kalsada dahil sa sunud-sunod na aftershocks.

Nakapagtala ng 130 na mahihinang lindol sa lugar ayon sa lokal na seismology office ng lungsod subalit wala namang naiulat na nadagdag pang sugatan.

Lubha umanong nababahala ang mga residente ng Surigao dahil sa mga aftershock na kanilang nara­ramdaman ayon kay Romina Marasigan, spokeswoman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Ayon sa report, huli umanong naramdaman ng Surigao city ang ganitong kalakas na lindol noon pang 1800.

Ang mga gusali, eskuwelahan at mga gym na dapat sana’y gagamiting evacuation centers ang minalas na nawasak ng lindol.