Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Surpresang pagbisita ng pulisya sa TUCP binatikos

0 156

Binatikos ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang anila’y kuwestyunableng pagpasok ng anim na pulis sa kanilang tanggapan sa Diliman, Quezon City noong Martes ng hapon.

Ayon kay TUCP Rep. Raymond Mendoza, pumasok nang walang per­miso o courtesy request ang mga arma­dong pulis, kung saan ilan sa mga ito ay nakasibilyan, at arogante aniyang naglibot sa lugar.

Kinuhanan umano ng mga pulis ng litrato ang daily attendance list at tinanong ang isang staff kung nasaan ang mga opisyal ng TUCP at kung saan nakatira ang mga ito.

“This is a clear act of harassment intended to send a chilling message to the trade union movement and specifi­cally to cow TUCP in its advocacy and union organizing work in both the pri­vate and public sectors,” ani Mendoza.

Ito na umano ang ikalimang beses na pinasok ng mga pulis ang TUCP Labor Center at may ganito ring nara­nasan ang kanilang mga kaalyado sa Mindanao. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.