Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Survey alipin mga botante – Lacson

0 116

Hinimok ni presidential candidate Senador Panfilo `Ping’ Lacson ang mga botante na piliin ang pinaka-kuwalipikadong mamuno sa gobyerno sa halip na gawing batayan ang mga naglalabasang survey sa mga kandidato para sa nalalapit na eleksiyon.

“Parang we have been slaves of surveys. Kung talagang surveys na lang (ang) pakikinggan natin, huwag na tayong mag-eleksiyon. Tingnan na lang natin sa survey at `yon na lang ang maupo. E hindi `yon ang essence ng democracy,” pahayag ni Lacson sa ginanap na Pandesal Forum kahapon.

Sabi ni Lacson, ang tunay na demokrasya ay makikita sa mismong araw ng eleksyon o sa Mayo 9.

Sa naturang forum, tinanong sa kanya ang paghingi ng tawad ni vice presidential candidate at Deputy House Speaker Lito Atienza matapos na humirit ito na paatrasin siya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Lacson, nauunawaan niya ang pinanggagalingan ng kongresista at ng iba pa na tumitingin sa resulta ng survey para masabi kung sino ang may malakas na tsansang manalo, pero hindi aniya dapat na manatili ang ganitong pananaw dahil panahon na upang kilatisin ang kandidato hindi batay sa pre-election poll, ngunit sa kanyang kahandaang pamahalaan ang bansa.

“Kasi minsan split second, nagpapalit ang isip ng tao ha. `Yong papunta, pag-alis ng bahay, hanggang sa makarating sa (polling precinct), hanggang sa mag-sha-shade `nung circle, puwedeng magpalit (ng isip) pagka nahimasmasan (ang botante),” aniya.

Payo pa nito sa mga botante na pinakamaganda aniyang gawin ngayon ay i-survey ang sarili at pag-isipan kung ano o sinong kandidato ang ilalagay sa puwesto.

“Hindi `yong porke `ay leading kasi si ganyan, doon na lang tayo’. Patay! Ubos tayo, hindi ba? Ilang beses na nangyari in the past e,” sabi ni Lacson.

Leave A Reply

Your email address will not be published.