Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Survey: Vape malakas hatak sa mga estudyante

0 175

Nagpahayag ng suporta ang Department of Education (DepEd para sa mas mahigpit na hakbang laban sa e-cigarette o vape dahil mayroong mga high school student na nahuhumaling sa paggamit nito.

Ito’y matapos talakayin sa Senado ang mga regulasyon sa paghihigpit sa paggamit ng vape.

“This a real concern for us in DepEd. Before the pandemic, the Philippine Pediatric Society (PPS) has coordinated with us to explore the determinants of e-cigarette use among [Grades 7 to 9] learners [and results showed] that 6.7% [of 11,500 learners surveyed] have tried and are using e-cigarettes,” ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones.

Base sa survey ng PPS, ang ilan sa pangunahing dahilan ng paggamit ng vape ng mga estudyante ay ang online accessibility (32%), iba-ibang lasa (22%), at sa paniniwalang mas ligtas ang e-cigarettes kaysa tobacco (17%).

Leave A Reply

Your email address will not be published.