Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Susan, FPJ ‘di na maghihiwalay

0 82

NI: CRISTY S. FERMIN

Ihinatid na sa huling hantungan kahapon nang umaga ang Reyna Ng Pelikulang Pilipino na si Ms. Susan Roces sa mismong tabi ng puntod ng hari ng kanyang puso sa Manila North Cemetery.

‘Yon ang palagi niyang ihinahabilin sa kanyang anak na si Senadora Grace Poe Llamanzares, walang ibang lugar na paghihimlayan ang kanyang bangkay, kailangang magkatabi sila ng Hari Ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr..

Komento ng kanilang mga tagahanga, kung naudlot man ang kanilang pagmamahalan dito sa lupa, pagkatapos nang labingwalong taon ay magkasama na sila at hinding-hindi na magkakahiwalay pang muli.

Leave A Reply

Your email address will not be published.