Abante Tonite Interactive

Susan Roces, Eddie Garcia nanguna sa b-day surprise kay Coco Martin

By
30

ISANG surprise birthday party ang ibinigay kay Coco Martin ng manager nitong si Biboy Arboleda noong Sunday.

Ginanap ito sa District 8 sa Greenhills. Dinaluhan ito ng mga kasamahan ni Coco sa Ang Probinsyano at Ang Panday, pati na rin ang core staff ng Dreamscape.

Maagang dumating sa venue sina Susan Roces, Eddie Garcia at ang mga batang cast ng Ang Probinsyano. Halos kumpleto ang mga imbitadong artista  sina Albert Martinez, Cherry Pie Picache, Agot Isidro, John Arcilla, Jhong Hilario, Arjo Atayde, Yassi Pressman, Yam Concepcion, John Prats, Mark Lapid with wife Tanya Garcia, Sancho delas Alas, Malou Crisologo, PJ Endrinal, Marc Solis, John Medina, McCoy de Leon at Elisse Joson.

Mga direktor na sina Malou Sevilla, Toto Natividad at Avel Sunpongco.

Present din ang ABS-CBN executives na sina Cory Vidanes, Deo Endrinal, Kylie Manalo Balagtas, Rondel Lindayag, Dagang Vilbar, Ethel Espiritu at Erick Salud. Star Cinema executives Roxy Liquigan and Mico del Rosario.

Today, November 1 ang birthday ni Coco, ang tinaguriang Hari Ng Telebisyon.

Alice bida na sa Nostalgia ng ABS-CBN 

MATAGAL na palang gusto ni Alice Dixson na maging Kapamilya. Aniya, she is just waiting for the right project. At ang pelikulang The Ghost Bride ang naging daan para mangyari ito.

30 years ago nang maging sikat si Alice when she won the Binibining Pilipinas International title.

Then sumabak na siya sa paggawa ng commercials at sumikat nga ang ‘I can feel it’ shampoo commercial niya.

Kaya aniya, gusto niyang every projects that she does, maganda ito.

“I’m really picky with the projects I do,” sabi nito. “I wanna make sure I do the right projects.”

Nakatakdang simulan ni Alice ang Nostalgia, isang teleserye na makakasama niya ang isang sikat na loveteam.

Ipinagmalaki ni Alice na proud siya sa pelikulang The Ghost Bride, where she plays the role of the matchmaker.

“I can’t say much about my role, kasi preemptive. But it’s a very important role, which leads sa story sa truth about the ghost,” kuwento pa ni Alice.