Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Susi sa murder niligpit

0 211

Pinatahimik ng isang murder suspek ang pangunahing testigo laban sa kaso nito nang pagbabarilin niya ito sa San Francisco Quezon, Linggo ng gabi.

Mga tama ng bala sa dibdib at tiyan ang agarang ikinamatay ni Arnel Bulalaque, 29, matapos barilin ni Jose Marro Navarro sa harap ng bahay ng biktima sa Sitio Campari, Brgy. Butanguiad.

Ayon sa San Francisco police, nakaupo sa harap ng kanyang bahay ang biktima nang bigla na lamang dumating ang suspek at sunod-sunod itong paputukan.

SM food to go Banner Ad

Lumilitaw na si Bulalaque ang pangunahing testigo sa murder case na kinasangkutan ng suspek noong November 5, 2019 .

Mula noon ay nagtago na umano ang suspek pero palaging kinokontak ang biktima na umatras na sa pagtestigo sa kaso.

Agad ding tumakas ang suspek matapos ang pamamaril at ngayon ay nahaharap na naman sa isa pang kaso ng murder. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.