Abante Tonite Interactive

Suso, t*ti bukambibig ni Sue

2,084

Pinanindigan na talaga ni Sue Ramirez ang hindi pagsusuot ng bra dahil wala rin siyang suot nito sa presscon ng “Cuddle Weather” held last Thursday night.

May nagtanong kasi kung nakasuot siya ng bra that night at sey ng aktres ay hindi raw at nagpasilip pa siya nang kaunti ng skin niya sa parteng malapit sa boobs to show na wala talaga.

“Hindi po ako nagba-bra talaga on a daily basis,” sambit niya at dagdag nga niya, hindi raw siya kumportable talaga na naka-bra.

Pati ang leading man niya tuloy na si RK Bagat-sing ay natanong kung may suot itong brief.

Sa pelikula ay buong ningning na maririnig si Sue ng mga bulgar na pananalita ng ating mga private parts at wala ring naging kaproble-problema ang aktres tungkol dito dahil in real life ay talagang sinasabi niya rin ito.

“That’s how I am as a person. Alam n’yo naman ‘ata ‘to, sa marami pong nakakakilala sa akin dito. Ako po ay isang bargas na babae,” sey ni Sue sabay-tawa.

“Hindi, totoo po. Hindi issue sa akin na magsabi ng mga private parts ng tao. Hindi ako nao-offend na nakakarinig ako ng mga ganito. And ewan ko, siguro, depende na lang din po ‘yan sa upbringing.

“But sa household namin, it was never an issue, lumaki po ako na may sakit po ang tatay ko, and kapag umiihi po ang tatay ko, nasa bote. Minsan, ako pa ang nagtatapon, ako po ang magbabalik doon.

“Kaya that’s why, I do not sexualize body parts because I grow up seeing and witnessing those kinds of stuff and hindi siya big deal for me. T*ti lang ‘yun, kung baga. Hashtag t*ti lang ‘yun. Suso lang ‘yan,” sey niya.

Kaya payo niya sa mga manonood ng “Cuddle Weather”, “huwag na tayong masyadong sensitibo sa mga naririnig natin. Words are just words and how you react to it is up to you. Kung paano mo tatanggapin, kung paano mo pakikinggan ‘yung mga salita. So, depende pa rin po sa atin.”

Mula sa direksyon ni Rod Marmol, showing na sa Sept. 13 ang “Cuddle Weather” na pinaka-daring film na yata ni Sue. Mula sa Regal Entertainment and Project 8 Corner San Joaquin Productions, the movie is an official entry to Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.

Mark grabe mang-ulol

Beast mode si Mark Herras sa mga nanlalait sa kanya at sa bagong karelasyong si Nicole Donesa. Puro “ulul” ang sagot ng aktor sa mga basher sa Instagram account ng GMA Network.

Nag-post ka­si ang GMA Network na kinukumpirma ang relasyon nina Mark at Nicole na nagkasama sa katatapos lamang na seryeng “Bihag”.

“Nabihag: @herrasmarkangeloofficial and actress @nicole_donesa confirm relationship. New couple alert!” ang caption ng GMA Network sa larawan nina Mark at Nicole.

Marami naman ang natuwa sa balita at nagkomento ng positibo pero may mga negatibo ring reaksyon ang ilang netizens.

“Naku parang c luis manzano lang yan papalit palit pa­rang da­mit lang pag nagsawa na. Walang forever,” komento ng isang netizen.
Sinagot ito ni Mark ng “ulul.”

Ang isa namang basher ay kinumpara si Mark kay Gerald Anderson.

“Budoy ng gma 7 yan..kya mtulus..lol,” komento ng netizen.

Sagot naman ni Mark, “ulul bulol ako hindi budoy.”

Matindi rin ang komento ng isang netizen na nag-comment ng “mahilig tlga sa chaka si Mark” kaya naman nakatikim din siya sa aktor.

“Ulul ulul ulul,” reaksyon ni Mark sa nasabing comment.

Saad naman ng isa, “Grabe sia ung mga kasabayan nia At ung naging lt nia At gf lumagay n sa tahimik si pa gf gf n lng version ni gerald anderson at Luis M.”

At sagot na naman ni Mark, “isa ka pang ulul.”

Siyempre marami rin namang nagtanggol kay Mark at nagsabing hindi raw dapat i-compare ang aktor kay Gerald dahil may maayos daw na break-up ito with Winwyn Marquez.