Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Suspek sa Cebu rape slay hinawla

0 57

Arestado na ang 18-anyos na suspek na nanghalay at pumatay sa 10-taong gulang na babae na itinago sa lib­lib na kuweba sa Talisay City, Cebu.

Ayon kay Talisay City Police Station chief Pol. Lt. Col. Randy Ca­balles, nakilala ang sus­pek na si Ian Rey Baculi, construction worker at residente ng Brgy. Lawaan 1, Talisay City.

Nabatid na ang suspek ay malayong kamag-anak ng biktima.

Inaresto si Baculi sa Brgy. Campo 7, Minglanilla, Talisay City, bandang alas-9:30 ng umaga, Miyerkoles, matapos magpositibo ang pulisya sa kanilang imbestigasyon at ku­manta na mismo ang suspek.

Kuwento ni Bacu­li, sinundan niya ang bata habang naliligo sa ilog. Nag-iba umano ang kanyang tingin sa bata dahil nasa ilalim siya ng droga ng pana­hon na iyon at agad na hinila ang biktima at sinakal hanggang hindi na gumalaw saka dinala sa kuweba ang bata at tinabunan ng mga bato.

Samantala, nakatu­long din umano ang pabuyang P100,000 na alok ni Mayor Samsam Gullas dahil marami ang nagpaimbestiga para mahuli ang suspek.

Malaki naman ang pasasalamat ng pamilya ng biktima dahil nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang musmos na kamag-anak.

Kasalukuyang na­kakulong ang suspek sa custodial facility ng Talisay City Police ha­bang inihahanda ang kasong murder. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.