Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Suspek sa Dacera case: Asin yun hindi droga

0 150

Nagsalita na ang ika-13 suspek sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Sa panayam kay Jake Esteron sa TV Patrol nitong Lunes ng gabi, sinabi niyang nagulat siya dahil bumisita lang siya sa City Garden Grand Hotel sa Makati, kung saan namatay si Dacera noong January 1, 2021, upang makita ang mga kaibigan niya.

Dumating daw siya sa hotel ilang minuto bago mag-New Year countdown para makasama ang mga kaibigan niyang nagpa-party sa Room 2207 at malapit lang sa kuwarto nila ang Room 2209 kung saan nagpa-party din sina Dacera at kaibigan nito.

Isa ang kakilala niya sa grupo ni Dacera at nagpunta rin daw siya sa Room 2209 para batiin ang mga ito.

Itinanggi niyang iligal na droga ang white granules substance na natagpuan ng mga imbestigador sa kanilang kuwarto kundi asin.

“Para sa tequila ‘yun. Dini-dip ‘yung lemon dun sa asin ‘yun yung partner niya,” ani Esteron.

Umaasa siyang lalabas din ang katotohanan sa pagkamatay ni Dacera.

Ikinagulat din niya ang sinabi ng kasama ni Dacera na si Valentine Rosales na puro matatanda at chaka ang nasa Room 2207.

“Kayo na po bahala humusga,” dagdag niya.

Kamakailan nagpunta sa National Bureau of Investigation si Esteron para magbigay ng sinumpaang salaysay tungkol sa kanyang nalalaman sa kaso.

Kasama siya sa kinasuhan ng Makati Police ng rape with homicide kaugnay sa Dacera case. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.