Abante Tonite Interactive

Suspek sa gang rape ng kaklase arestado sa Zambales

By
977

Binata na nang maaresto ng Manila Police District (MPD)-Police Station 7 ang panguna­hing suspek sa gang rape ng kanyang kaklaseng babae may tatlong taon na ang nakakalipas sa Subic, Zambales.

Nabatid na dakong alas-9:45 ng umaga kahapon nang madakip ng grupo ni Police Chief Insp. Aldin Balagat ng PS7 ang suspek na si Ralph Lawrence de Perio, 19-anyos, taga-145 C. Namie, Marulas, Caloocan City, sa Subic Bacara National Highway, Barangay Matain, Subic, Zambales.

May nakapagbigay ng impormasyon sa pulisya na nagtatago sa nabanggit na lugar ang suspek.

Abante Hiring – IT dep

Nabatid na ang suspek kasama sina Patrick Yeuncheng, Ralph Raymond Madrigal at Jan Henry Torres ay kinasuhan ng 3 counts of rape ng kanilang biktima.

Naganap ang insidente may tatlong taon na ang nakakalipas sa birthday party ng suspek.

Inamin naman ng suspek, na noon ay 16-anyos pa lamang nang maganap ang panggagahasa, na siya lamang ang gumalaw sa kanyang schoolmate na si ‘Edna’, sa kabila na binalak rin ng tatlo pang suspek na pagsamantalahan rin ang biktima.

Tatlong beses na hinalay ang biktima na noon ay lasing at hindi na nagawang makapanlaban dahil sa panghihina ng katawan at pagbabanta ng suspek.

Nagtatago pa rin ang kanyang mga kasamang inireklamo. ()