Abante Tonite Interactive

Suspek sa La Sallista rape-slay timbog

324

Nadakip na ng mga awtoridad ang suspek sa panghahalay at pagpatay sa De La Salle student na si Fidex Therese Maranan.

Ayon kay P/Col Edwin Quilates, director ng Batangas PNP, ang suspek na si Jorge Benedicto y Arobog, ay naaresto ng mga elemento ng Lipa City police at Victoria police sa bayan ng Victoria, Oriental Mindoro ganap na alas-5:10 kamakalawa nang hapon.

Nakakulong ang suspek ngayon sa Lipa City locked up jail at isinampa na ang kasong rape with homicide laban dito.

Ang biktimang si Maranan na graduating student sa De La Salle Lipa ay natagpuang patay at may tama ng saksak sa leeg sa sahig ng kanyang kuwarto sa kanyang bahay sa Lourdes St., Miracle Subd., Barangay Antipolo del Norte noong umaga ng Mayo 17.

Tumanggi pang magbigay sa kasalukuyan ng iba pang detalye si Lipa City police chief Lt. Col. Ramon Balauag maliban sa pagkakadakip ng suspek. (Ronilo Dagos)