Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Suspek sa Laguna kidnap-slay tiklo

0 353

Inaresto ng mga awtoridad ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Adrian Ramos, pamangkin ng girlfriend ni Jang Lucero na si Meya Amatorio.

Sa bisa ng search warrant inaresto ng mga National Bureau of Investigation sa kanyang bahay ang suspek na hindi muna pinangalanan dahil sa patuloy na imbestigasyon.

Nakuha sa suspek ang cellphone, na umano’y kinuha nang dukutin sina Ramos at Amatorio. Malaking tulong umano ito dahil posibleng magturo ito sa mga nasa likod ng pagdukot sa dalawang biktima at makapagbigay ng impormasyon sa pagpatay kay Lucero.

Matatandaan na natagpuan si Lucero na tadtad ng saksak sa loob ng kanyang kotse sa Calamba. Nitong Hulyo 29 dinukot naman sina Amatorio at Ramos sa bahay nito sa Bae, Laguna. Kinabukasan, natagpuan ang bangkay ni Ramos na tadtad ng saksak.

Leave A Reply

Your email address will not be published.