Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Suspek sa Maguindanao massacre nadampot

0 289

Nadakma ng pulisya ang isang suspek sa karumal-dumal na Maguindanao massacre noong 2009.

Ayon sa report ni Maguindanao Police Provincial Office Provincial Director Col. Donald A. Madamba na isinumite sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), nadakip si Andami Singkala alyas ‘Yamani Baga Dimaukom’ nitong Abril.

Pinuri naman ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar ang kapulisan sa pagkakadakip sa mga salarin.

SM food to go Banner Ad

“Our government has made it top priority to capture the remaining suspects of the Ampautan Massacre. So far, six accused have been arrested through the dedicated efforts of our law enforcement agencies including the Task Force. Justice will prevail,” saad ni Andanar.

Ayon naman kay PTFoMS executive director Joel Sy Egco, patuloy ang manhunt operation ng task force laban sa natitirang mga suspek kung saan noong Marso ay bumuo ito ng special tracker team.

Sa nasabing krimen, 58 ang nasawi, kasama ang 31 mamamahayag, dahil sa mainit na labanang politika sa Ampatuan, Maguindanao. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.