Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Suspek sa niyaring Grade 7 timbog

0 243

Naaaresto na ng pulisya ang suspek sa kalunos-lunos na pagpatay sa 12-anyos na dalagita sa San Narciso, Quezon.

Kinilala ito ng San Narciso police na si Artemio Mendeja, 66.

Ang suspek ay inaresto base sa pahayag ng dalawang testigo na ito umano ang nakita nila na malapit sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay ng biktima.

Sa pagsisiyasat dito, nakita ang mga kalmot nito sa braso at binti indikasyon na posibleng nanlaban pa ang biktima habang isinasagawa ang krimen, na hinihinala ring ginahasa.

May mga bakas din ng natuyong dugo ang suot na jogging pants ng suspek pero itinanggi nitong may kinalaman siya sa krimen.

Biyernes ng umaga nang matagpuan ang hubad na bangkay ng grade 7 na si Vheanne Banico, na nagpaalam lang sa kanyang mga kaanak upang magtungo sa medyo bulubunduking lugar kung saan may cellphone signal para mag-online at makipag-usap sa kanyang guro para sa modules.

Tadtad ito ng taga at saksak sa katawan at leeg na siya nitong ikinamatay. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.