Abante Tonite Interactive

Suspek sa pagpatay sa ulirang ama arestado makalipas ang isang taon

278

Sa panayam ng TUGIS kay PSMS. Ronnie Garan ng Navotas police homicide division, nangyari ang insidente dakong alas-8:45 ng umaga habang sakay ng nakaparadang kulay puting Ford Fierra si Domeng at hinihintay na maikarga ng kanyang helper ang binibiling isang kahong red horse beer.

Nakuha naman ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pangunguna ni Police Lt. Sonny Boy Tepace ang dalawang basyo ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Lumabas din sa autopsy report na isinagawa ni Patrolman Charyl Escaro, Medico Legal Doctor ng Philippine National Police (PNP) na ang tama ng bala sa ulo ang ikinasawi ng biktima.

Sa pahayag ng helper na si Romeo Almendras, 38, ng 87 Kalayaan Road, Brgy. Piñahan, Quezon City kay PSMS. Garan, kagagaling lang nilang mag-igib ng tubig sa harapan ng Navotas Fish Port Complex nang magtungo­ sila sa Manalo Store upang bumili ng isang kahong red horse beer.

Nakaupo aniya sa manibela ng sasakyan ang biktima at hinihintay na lamang na maikarga niya ang binibili nilang beer nang makarinig siya ng dalawang putok na una niyang inakala na pumutok ang gulong ng kanilang sasakyan dahil sa bigat ng kargang tubig.