Abante Tonite Interactive

Suspek sa pagpatay sa ulirang ama arestado makalipas ang isang taon

367

Nagulat na lamang siya nang makita ang kanyang among si Mang Domeng na duguan ng nakayuko habang nakaupo sa manibela kaya’t nagtatakbo siya upang maghanap ng pulis na mahihingan ng tulong.

Sa hindi kalayuan ay nakahingi ng tulong sa nagpapatrulyang pulis si Romeo na kaagad nagresponde subalit wala na ang mga salarin.

Dugtong pa ni Romeo, may napansin siya na dalawang lalaking sakay ng maotorsiklo at kapuwa nakasuot ng bonnet at helmet na mabilis na tumakas matapos niyang marinig ang da­lawang putok.

Inihayag pa ni Romeo na wala siyang alam na kaaway si Mang Domeng dahil napakabait aniya ng amo at lahat ay nais pagbigyan kapag lumalapit para humingi ng tulong.

Sinabi naman ni Lalie sa TUGIS na maagang umalis ng kanilang canteen noon si Domeng upang maghulog sa bangko dahil said na ang kanilang balanse sa kanilang Smart Padala.

Marami aniya ang nakikiusap sa kanila na lagyan ng puhunan ang kanilang mobile wallet na Smart Padala upang sa kanila na magpadala, magbayad o tumanggap ng pera lalu na’t bukod sa malayo ang paglabas sa port terminal, madalas ay nahoholdap pa sila sa kahabaan ng Road 10 sa Vitas, Tondo.

Matapos aniyang maghulog ng puhunan sa bangko, nagtuloy sa igiban ang kanyang asawa, kasama ang kanilang helper, bago dumiretso sa tindahang binibilhan nila ng soft drinks at beer kung saan doon na siya pinaslang.