Abante Tonite Interactive

Suspek sa pagpatay sa ulirang ama arestado makalipas ang isang taon

0 238

Ayon pa kay Lalie, wala siyang alam na may matinding kagalit o kaaway ang kanyang asawa at lalung walang natatanggap na pagbabanta sa kanyang buhay kaya’t hindi niya alam ang motibo ng salarin maliban na lang sa hinala na posibleng kinainggitan ang unti-unti nilang pag-asenso sa buhay.

Sa matagal aniyang pananatili nila sa Harbour Center at maging sa inuupahan nilang bahay sa Navotas, walang naging kaaway ang kanyang asawa at sa halip ay dumami pa ang kanyang kaibigan dahil lahat ng lumalapit para humingi ng tulong ay kanyang pinagbibigyan.

Ganito rin ang naging pahayag ng testigong si Randy Bellen, 32, truck driver ng Ersan Movers kay SPO2 Ronnie Garan nang tumayo bilang testigo sa nangyaring pagpatay sa biktima,

Sa sinumpaang salaysay ni Randy, nagpapahinga na aniya siya sa kanilang barracks sa garahe ng truck nang magising siya sa kaguluhang nangyayari sa Batang Canteen kaya’t dali-dali siyang bumangon at dito niya nalaman na binaril at napatay pala si Mang Domeng.

Ayon kay Randy, wala siyang alam na may nakaalitan ni Mang Domeng dahil napakabait na tao ng biktima at maraming mga taga port terminal ang kanyang natutulungan.