Abante Tonite Interactive

Suspek sa pagpatay sa ulirang ama arestado makalipas ang isang taon

242

Ipinakita ni SPO2 Garan kay Che-Che ang mga kuha ng CCTV kung saan sakay ng motorsiklo ang dalawang lalaking suspek at isa rito ang nakitang bumaril at nakapatay sa Domeng.

Positibong kinilala ni Che-Che ang gunman na angkas ng motorsiklo na si Ronito Encarnacion, alyas “Jun” na kanyang kinakasama, pati na ang gamit na motorsiklo na madalas aniyang dalhin ng suspek sa kanilang tirahan.

Sinabi ni Che-Che na hindi niya personal na kilala ang kasama ng kanyang kalive-in nang isagawa ang krimen bagama’t naririnig niya na “Tol” kung tawagan ng dalawa kapag nagpupunta sa kanila.

Nilinaw din ni Che-Che sa pulisya na wala silang alitan o hindi pagkakaunawaan ng kanyang kalive-in para maglubid ng kasinungalingan at ang tanging layunin at pagnanais lamang niya ay magsabi ng katotohanan para mabigyang katarungan ang pagpatay sa biktima.

Sa pagpapatuloy ng pagsisiyasat, nakilala ng pulisya ang driver ng motorsiklo na si Jose Dantes Raymundo ng Barangay Bangkulasi na tinutukoy ni Che-Che na kasama ng kanyang kalive-in na si Encarnacion nang isagawa ang krimen.

Sa kabila ng positibong pagkilala sa mga suspek, bigo ang kapulisan sa ginawang pag-TUGIS sa dalawang suspek dahil nakasibat na ang mga ito nang puntahan sa kani-kanilang tirahan kaya’t ipinasiyang isampa na muna ang kaso sa piskalya.