Abante Tonite Interactive

Suspek sa pagpatay sa ulirang ama arestado makalipas ang isang taon

379

Bitbit ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Dabu ng Navotas RTC Branch 285, palihim na kumalat sa naturang lugar ang mga pulis hanggang mati­yempuhan nila si Encarnacion na hindi na nakapalag nang dakpin ng mga awtoridad.

Sa kabila ng matibay na mga ebidensiya, kabilang ang kuha ng CCTV at ang testimonya mismo ng kanyang kalive-in na si Che-Che, mariin pa ring itinanggi ni Encarnacion ang bintang at sa halip ay nagpas­yang manahimik na lamang at hintayin ang isasagawang paglilitis laban sa kanya.

Tinangka rin ng TUGIS na makuhanan ng pahayag si Encarnacion kaugnay sa ibinibintang sa kanyang krimen su­balit tumanggi siyang magbigay ng panayam.

Kumpiyansa naman si Col. Balasabas na mapapatawan ng kaparusahan na naaayon sa batas ang akusado lalo na’t matibay ang naiprisintang ebidensiya ng kapulisan sa tagausig na magtuturo kay Encarnacion na siyang bumaril sa biktimang si Domeng.

Gayunman, hindi pa rin matukoy ng pulisya kung ano ang motibo ng salarin sa pagpaslang kay Domeng lalo na’t marami ang nagpapahayag na wala siyang naging kaaway, napakabait na tao at hindi nasangkot sa anumang uri ng iligal na gawain.

Maging ang asawa ni Domeng na si Lalie ay wala ring maisip na dahilan kung bakit kinakailangang pasla­ngin ang kanyang ulirang asawa na isang mabu­ting ama lalo na’t marami naman aniya itong natulungan.

Ang tanging naiisip lamang ni Lalie, batay na rin sa naging panayam sa kanya ng TUGIS, ay posibleng inggit ang namayani sa sinumang may kagagawan o utak sa pagpaslang sa kanyang asawa.

Sa ngayon aniya ay mag-isa niyang tutuparin ang panga­rap nilang mag-asawa na magkaroon ng sa­riling bahay kaya’t solo na niyang ipinagpatuloy ang negosyo nilang mag-asawa sa loob ng Harbour Center.

Ayon pa kay Lalie, tiniyak na rin sa kanya ni Col. Balasabas ang pa­tuloy na pag-TUGIS ng kapulisan sa nakakalaya pang suspek na si Raymundo upang tuluyang mabigyan ng kataru­ngan ang walang awan­g pagpaslang sa kanyang asawa.

Sa mga kriminal na nakatakbo at nakaiwas sa pag-TUGIS ng batas, pansamantala lang ‘yan, hindi habang panahon kayong makapagtatago. Tandaan ninyo. walang krimen na hindi pinagbabayaran.

Attachments area