Abante Tonite Interactive

Suspek sa pagpatay sa ulirang ama arestado makalipas ang isang taon Part 18

221

Disyembre 10, 2018 nang tanggapin ni Navotas City Assistant City Prosecutor Golda Pablo-Salamat ang kaso at kaagad na itinakda ang pagdinig, kasabay ng pagpapadala ng subpoena sa tirahan ng mga suspek.

Nang mabigong makapagbigay ng panig ang mga akusado sa kabila ng ilang ulit na pagpapadala ng subpoena sa kanila, ipinasya ng piskalya na iakyat na ang kasong murder sa Navotas City Regio­nal Trial Court (RTC) laban kina Encarnacion at Raymundo.

Matapos isagawa ang raffle, bumagsak sa sala ni Judge Pedro T. Dabu, Jr. ng Navotas RTC Branch 285 ang kaso at dahil sapat at may sustansiya ang kasong isinampa ng tagausig, naglabas kaagad ng warrant of arrest ang hukuman para sa agarang ikadarakip ng mga suspek.

Nang maupo bilang hepe ng Navotas Police si P/Col. Rolando Bala­sabas, isa sa kanyang pinagtuunan ng pansin, bukod sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga, ang pag-TUGIS sa mga wanted person sa lungsod, partikular ang mga kabilang sa Top 10 Most Wanted Persons.

Inatasan ni Col Balasabas si P/EMSgt. Alvin Bautista, hepe ng Warrant and Subpoena Section ng Navotas Police na tutukan ang mga taong patuloy na nakakalaya sa kabila ng kinakaharap na krimen upang mabigyang katarungan ang pamilya ng kanilang mga naging biktima.

Noong Disyembre 11, 2019, nakatanggap ng impormasyon si Col. Ba­lasabas hinggil sa muling paglutang ng panguna­hing suspek na si Encarnacion sa ginawang karumal-dumal na pagpatay sa negosyanteng si Domeng.

Kaagad na inatasan ni Col. Balasabas si P/EMSgt. Bautista na bumuo ng isang team na magsasagawa ng pag-TUGIS kay Encarnacion lalo na’t batid nila na armado ang suspek at posibleng handang lumaban kapag tulu­yang nasukol.

Dakong alas-11 nang umaga araw ng Miyerkoles ng Disyembre 11, 2019 nang lumusob ang isang team na binuo ni Bautista na kinabibilangan nina MSgt. Norinito Tapon, SMSgt. Generoso Gagaliga, MSgt. Rudel Alfonso, MSgt.
Doninic Domigues at Cpl. Mark Anthony Diño sa M. De Vera Street, Barangay Sipac Almacen kung saan nakita ng impormante ang suspek.