Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Suspek sa pinasabog na bus tinodas

0 175

Dedbol ang sinasabing lider at bomber ng Daulah Islamiyah-Hassan Group (DI-HG) sa isa umanong engkuwentro sa isinagawang manhunt operation ng military at pulis sa Brgy. Tonganon, Carmen, North Cotabato noong weekend.

Sa report, sinabi ni Maj. Gen. Juvymax Uy, Commander ng Joint Task Force Central at 6th Infantry Division, na namatay si DI leader Norodin Hassan alyas Andot, ang kilalang Emir ng DI Military Affairs.

Sinabi naman ni Col. Jovencio Gonzales, Commander ng 602nd Infantry Brigade, na ang tatlo pang tagasunod ni Hassan ay namatay din. Kinilala ang dalawa sa mga ito na sina Abdonillah Hassan o alyas Don, at Abdonhack Hassan alyas Abdon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“The deaths of alias Andot and 3 of his cohorts only shows that justice is given to the victims of the Mindanao Star Bus bombing,” ani Uy.

Si Hassan ang tinuturong planner at perpetrator ng Mindanao Star Bus bombing sa national highway sa Aleosan, North Cotabato noong Enero 11, 2022. May namatay na 5-taong gulang sa insidente.

Nabatid na nagsagawa ang Philippine Army at Police Explosive at Ordnance Disposal Teams ng “Sensitive Site Exploitation and Post Blast Investigation” kung saan kinilala agad ang mga suspek. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.