Abante Tonite Interactive

Suspek sa pinatay na titser hinahanting sa Iloilo

196

Pinaghahanap pa rin ng pulisya ang ex-convict na suspek sa brutal na pagpatay sa isang 55-anyos na dalagang guro sa Passi City, Iloilo noong Lunes nang umaga.

Una nang iniulat ng Passi City Police na pinuntahan ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si June Aguilar alyas ‘Winwin’, 24-anyos, ang bahay nito sa Brgy. Gemumua-Agahon pero hindi nila dinatnan ito.

Dati na umanong nakulong si Aguilar dahil din sa kasong pagpatay.

Abante Hiring – IT dep

Ang biktimang si Ma. Corazon Tionson, grade 3 teacher sa Gemumua-Agohon Elementary School sa Passi City, ay natagpuang patay na pasado alas-nuwebe nang umaga sa loob ng bahay nito sa nasabing barangay.

May mga saksak sa likod ang biktima at hinataw pa ng martilyo ang ulo nito.

Pagnanakaw ang pangunahing motibo na nakikita ng pulisya sa naganap na krimen dahil natagpuan sa bahay nito ang isang kuwintas at ang cellphone na pag-aari umano ng guro.