Abante Tonite Interactive

Suspek sa rape nasakote

376

Isang binata na tatlong beses umanong gumahasa sa kanyang kapitbahay ang naaresto ng pulisya sa Bocaue, Bulacan nitong Linggo.

Ayon kay P/Col. Chito Bersaluna, hepe ng Bulacan provincial police, hindi na nakapalag ang suspek na kinilalang si Cris Cabiao y Fernandez, 24-anyos, nang arestuhin ng mga pulis sa kanyang pinagtataguan sa Brgy. Taal, Bocaue.

Nabatid na suspek si Cabiao sa tatlong beses na panggagahasa sa kanyang kapitbahay at nagtago makaraang maglabas ng warrant of arrest na walang piyansa laban sa kanya ang sala ni Malolos Regional Trial Court Branch 21 Presiding Judge Crisostomo Danguilan. (Jun Borlongan)